Monday, October 27, 2008

tatanda na naman ako... haaay

malapet na naman ang bertday ko. pangalawang bertday ko na ito dito sa singapore. mahigit isang taon na akong OFW! minsan me mga nagtatanong kung ilang taon na daw ba ako. hindi ako makasagot kaagad. kase kelangan ko pang magcompute. 2008 minus 1982, so 26. mag2-26 na ako sa november 5! haaay... tatanda na naman ako ng isang taon. dati nung elementary kung magb-bertday ako natutuwa ako kasi me mga regalo; meron cake; merong kids party sa bahay. nung high school at college naman, wala nang kids party pero meron naman dagdag sa allowance para matreat ang mga frends at makabili ng kung ano ano. ang babaw pa kasi ng kaligayahan kaya mas madaling sumaya. ngayon habang tumatanda na nababawasan na ang saya? baket kaya? dahil ba pag bertday butas ang bulsa? dahil magpapakain sa mga kaibigan? dahil ba sa kung hindi magkakaibigan ang mga ibang kaibigan magkakahiwalay na selebrasyon pa at dagdag lang sa kabutasan ng bulsa? pero iniisip ko, hindi yun yun e. ok lang naman magpakain. minsan lng naman yan sa isang taon. siguro mejo nakakalungkot lng kapag nagbe-bertday e naalalang tumatanda na at wala pa masyadong nagagawang kabuluhan sa mundo. minsan tinanong ng hawshold head namen sa sfc - "whats u'r purpose in lyf?" hay naku dahil sa kababasa sa Purpose Driven Life na book kung ano ano na ang naiisip itanong. wala tuloy akong masagot dahil hindi ko naman binasa yung librong yun. pero oo nga noh. ano nga bang rason kung baket ako nabubuhay? o para saan ba at patuloy akong nabubuhay? sagot ko sa kanya hindi ko alam. pero katunayan nun simple lang naman talaga ang sagot ko dun eh. nahihiya lang siguro akong i-share dahil nabubuhay ako ngayon para magtrabaho sa singapore para sumahod ng mas malake at para mas malake ang maipadala sa pamilya sa pinas. yun na yun. straightforward, short and simple. pag tinagalize - mababaw.
dati, dami kong gustong gawin sa buhay ko. dati gusto kong tumulong sa mga non-profit organizations katulad ng GK at SAGIP. tumulong hindi sa pagbigay ng suportang pinansyal pero pisikal na tulong. tulad ng paggawa ng bahay, pagturo sa mga bata, ganun. kaya ako sumali sa SFC sa pinas nun para makasali sa GK at sagip. pero kung kelan naman nakasali na at naka first base na sa sagip, kelangan namang lisanin ang pinas para sunggabin ang offer dito na kumita ng mas malaki. ngayon yung pangarap kung tumulong napakahirap nang mareach. parang nawalan na den ako ng gana. mahirap den kasi kung yung mga non-profit organizations na yun hindi naman pala kelangan ang tulong mo. kaya ngayon ang direksyon nalang ng buhay ko e para sumahod nalang ng sumahod. para makapagpadala sa pinas. para makapaglakwatsa. para makabili ng kung ano ano. grabeeh kung iisipin napakamakasarili ko noh? pero ganun talaga. siguro ang pagiging makasarili eh ugali na ng tao na mahirap tanggalin. at minsan me mga direksyon sa buhay na gusto nateng tahakin pero kung hindi nman para saten yun, hindi talaga pwede. para bang ipipilit ko lng ipasok sarili ko sa pintuan na hindi naman ako kasya.
actually, masaya naman ako nakakalungkot lang na tatanda na naman ako na parang walang masyadong malinaw na direksyon ang buhay. tapos parang routinary nalang ang ginagawa ko at nangyayari sa paligid ko. pero parang ayoko na den naman nang mageffort para irevive ang mga plans ko sa life ko. parang minsan nakakapagod kasi mangarap; nakakapagod magplano.
kaya mula ngayon bahala na si Lord. susundin ko nalang kung anong gusto Nia. kahit naman sa trabaho sa opisina mas marunong akong sumunod kesa sa maglead. kaya ang buhay ko, ipagpapasaDyos ko nalang. para alam ko na ang landas na tinatahak ko e tama. hindi naman ito matatawag na katamaran dahil lahat paren ng paglakad e ako gagawa. pagkakaiba lamang e ang direksyon na tatahakin ko gawa ng Diyos. Pag ginawa ko ito, alam ko next year na birthday ko. Uber magiging masaya na ako.

No comments: